Header Ads Widget

Responsive Advertisement

True Love Chapter 7 and 8

  


Chapter 7

GABRIEL POV

Kanina pa ako nakatitig sa magandang mukha ni Carissa. Maraming gumugulo sa isip ko. Hindi ko akalain na virgin pa ito sa kadahilanan na nagising kami parehong walang saplot ng araw na iyun. Kung ganun walang physical na nangyari sa amin. Pero sino ang may pakana ng lahat. Bakit magkatabi kaming nagising ng umagang iyon na parehong walang saplot sa katawan.

Hindi ako nakauwi ng bahay nitong nakaraang araw dahil marami akong Inaasikaso tungkol sa negosyo. Galing din ako sa business tour sa Europe at pagdating ko lang kanina. Alam kong iniisip ni Carissa na iniiwasan ko ito. Na galit ako dito. Sabagay wala naman akong pakialam dito dahil sa pag-aakala ko na may mali itong nagawa sa amin ni Ara. Na pinikot niya ako.

Ilang beses na itong tumanggi na hindi niya kagagawan ang lahat. Na wala itong kasalanan. Nakaramdam ako ng guilty. Kung ganoon sino ang kay kasalanan sa mga nangyari sa amin.

Napahilamos ako sa aking mukha Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa pagkakataon na ito. Aaminin ko na labis kong kinamuhian si Carissa dahil nasira ang relasyon namin ni Ara. Akala ko kasi pinikot ako nito, na ito ang may pakana ng lahat. Pero napatunayan ko ngayung gabi na wala itong kasalanan. Napaka Inosente nito,

Marahan kong hinaplos ang mukha nito Hindi man lang ito nagising. Marahil masyado Itong napagod sa ginawa namin kanina. Ngayun ko lang din napansin nalang na gaano ito kaganda. Napakaamo ng mukha nito. 

Lagi ko naman itong nakikita kapag binibisita ko dati si Ara kaya lang lagi itong nakatungo. Hindi din ito nakikipag-usap sa akin. Napapansin ko din na hindi sila closed ni Ara. Never kasing nababanggit ni Ara ang tungkol kay Carissa kapag magkasama kami. Napapansin ko din noon na laging masama ang tingin ni Ara sa kapatid nito. pero hindi ko na lang iyon binigyan pansin, Ang mahalaga kasi sa akin noon ay si Ara lang. Wala akong pakialam sa mga taong nakapaligid dito,

Kailangan ko sigurong pa-imbestigahan ang nangyari sa amin nung araw na iyun. Tuluyan na akong bumangon sa kama. Ikinumot ko ang comforter dito. Alam kong lalamigin ito dahil wala man lang itong ni isang saplot sa katawan. Gustuhin ko man na bihisan ito kaya lang nag-aalala ako at baka ito ay magising. Masyadong mahimbing na ang tulog nito.

Isinoot ko ang sarili kong damit at nilapitan ulit ito sa kama. Nilagyan ko ng magaan na halik sa noo. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon Parang may malaking bahagi ng puso ko ang biglang nakuha ni Carissa. 

Kung pwede nga lang na tabihan ko ito matulog magdamag. Kaya lang ay hindi pwede. Marami akong aasikasuhin at isa pa maaga akong pupunta ng opisina bukas. Ayaw kong maisturbo ang tulog nito. Baka hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko at maangkin ulit ito Napangiti ako ng maalala ang nangyari sa amin kani-kanina lang. Ayaw ko na muna itong angkinin ulit kasi alam kong masyado itong napagod. 

At isa pa first time nito tiyak na sasakit ang katawan nito kinabukasan. Sa kanya ko lang kasi naranasan na nag enjoy ako sa sex. Hindi nakakasawa at alam kong hahanap-hanapin ng katawan ko ang nangyari sa amin kanina. Ewan ko ba sa kanya ko naranasan ang satisfaction pagdating sa Sex Bonus na din siguro dahil virgin pa ito. Hindi ko na mabilang kung ilang babae na ang dumaan sa akin. 

Kay Ara nga lang ako nagtagal. Masyado kasing malambing si Ara at napakagaling din nito sa kama. Aaminin ko na hindi ako ang nakauna dito. Pero no big deal sa akin iyon kasi alam kong mahirap na makahanap ng virgin na babae sa panahon ngayun. Hindi ko maintindihan kung bakit minadali ng pamilya ni Ara na ikasal kami ni Carissa. samantalang ilang beses ng may nangyari sa amin ni Ara hindi naman sila nagdemand ng kasal ng ura-urada. Kaya naman ngayun ko lang naisip na may hindi magandang nangyayari.

Halos karamihan sa mga kababaihan ngayun ay hindi na masyadong pinahahalagahan ang virginity. Kaya naman nagulat ako kagabi ng maangkin kong virgin pa si Carissa. Malinis na babae si Carissa kaya dapat lang na bumawi ako dito.

Tuluyan ng akong lumabas na ng kwarto nito. Bumalik ako sa sarili kong silid at hinagilap ang aking cellphone. Agad kong tinawagan si Markku, isa sa mga kaibigan ko na maraming kakilala na imbestigador. Oo papaimbestigahan ko ang pamilya ni Carissa. Matagal kong naging girlfriend si Ara pero hindi ko alam kung anong meron sa kanilang pamilya. Alam kong napakababaw ng aking dahilan pero gusto kong malaman ang lahat. Kung anong klaseng pamilya meron sina Ara at Carissa.

“Hello Gabriel?!! Rinig kong sagot ni Markku Halata sa boses nito na naistorbo ko ito sa kung ano man ang ginagawa nito ngayun

“May papaimbestigahan ako kaya ako napatawag”. Derekta kung wika dito. Wala ng paligoy -ligoy pa. Alam kong sanay na din ang aking mga kaibigan sa ugali ko.

“Naman Bro.. Gabi na pwede ba bukas na lang wika ni Markku sa kabilang linya. Halata sa boses nito ang hindi maisatinig na pagkainis sa akin.

No ayaw kong magsayang ng oras. Bakit bukas pa kung pwede naman umpisahan ngayun na. “Mariin kong sagot dito.

“Hayy naku Ano ba kasi yun? Sino ba iyung pa-imbestigahan mo?”naasar na sagot ni Markku

“Perez Family” maliksi kong sagot

“Who?”, I mean pamilya ba ng ex girlfriend mo na si Ara? Why I mean kailangan mo ba talagang gawin ito?Hangang ngayon ba hindi mo pa rin matangap na hindi na kayo pwede.

Dahil asawa mo na ang kapatid niya. “naguguluhan na tanong ni Markku “Walang nangyari sa amin ni Carissa ng gabing iyun at isa pa kilala mo ako ayaw na ayaw kong niloloko ako ng kahit sino..” sagot ko dito.

“What?... I mean paano mo nasabi na wala. Diba iyun ang dahilan kaya bigla kayung Ipinakasal? Nadungisan mo ang pagkababae ni Carissa kaya bigla kayung ikinasal Bro.” Sagot ni Markku

“Iyun din ang akala ko... Until

“Until what? Muling sagot ni Markku

May nangyari sa amin kanina ni Carissa. “ maiksi kong wika kay Markku

Whats wrong with that.!!!. Normal lang iyan sa inyo dahil mag-asawa kayo.

Dont tell me na kanina lang nasundan ang sex niyo after kayo ikinasal.” Natatawang sagot ni Markku

“Yun nga eh. Naguguluhan ako kasi virgin pa siya kanina Bro. I mean kung may nangyari sa amin dapat hindi na siya birhen diba?” sagot ko dito “what? Pero teka Wow Bro ikaw na talaga. Ang swerte mo!!! Pero teka lang.. Paano nangyari iyon?. Diba sabi mo may nangyari sa inyo ng gabing yun?” sagot ni Markku

“Kaya nga gusto ko itong pa-imbestigahan Kaya pala tudo tanggi si Carissa kasi talagang wala naman palang nangyari sa amin. Parang pareho lang kaming hinubaran at pinagtabi sa pagtulog.” Sagot ko,

“Kawawa naman pala si Carissa kung nagkataon Bro Imagine halos isumpa mo siya iyon pala isa din siya sa biktima dito.”sagot ni Markku

“Kaya nga gusto ko malaman ang katotohanan gusto ko may resulta agad ang pinapaga Ko sa iyo.” Sagot ko Kay Markku

“Kailangan pa ba pa imbestigahan. I think mas mabilis kong tanungin na lang natin si Jonathan. Tiyak maraming nalalaman iyun tungkol sa buhay ni Carissa at sa pamilya nito. Sagot ni Markku.

Napakunot ang noo ko sa sagot ni Markku. Hindi ko makuha kung ano ang ibig sabihin nito. Kung bakit nasali sa usapan namin si Jonathan.

“Ano ibig mong sabihin. Ano ang kinalaman ni Jonathan tungkol dito” sagot ko.

“Hay naku. Ikaw talaga... hindi mo ba alam na magkaibigan si Carissa at nakababatang kapatid ni Jonathan na si Roxie. Tiyak na marami yung alam tungkol sa nangyayari sa buhay ni Carissa. 

Libre pa ang makukuha mong impormasyon at isa pa sa loob ng isang araw malalaman mo agad ang totoo.” Mahabang sagot ni Markku. “Paano mo naman nalaman iyon?” tanong ko dito. Hindi ko kasi alam ang tungkol dito.

Sabagay wala naman akong pakialam sa bagay na iyon. Masyadong nakafocus ang utak ko sa negosyo at wala na akong panahon pa sa ibang mga bagay.

“Syempre naman, lagi kong nakikita si Carissa sa bahay nila Roxie at Jonathan kapag tumatambay kami doon nila Alex. Close friend yata sila at pareho ng School na pinapasukan. Ikaw kasi eh ilang beses ka namin niyaya na mag-inuman sa bahay nila Jonathan lagi kang tumatanggi kaya ayan tuloy napag-iiwanan ka “mahabang sagot ni Markku

Hindi ako nakaimik sa sinabi nito

“Gandang ganda nga ako diyan kay Carissa eh. Kaya lang napaka-ilap. Ayaw makihalubilo sa amin dagdagan pa ng kapatid ni Jonathan na napakamaldita.” Natatawang wika ni Markku

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Markku Hindi ko talaga alam ang mga bagay na iyun.

Siguro tatawagan ko na lang si Jonathan bukas ng umaga Masyado ng late at alam kong tulog na din ito.

Agad akong nagpaalam kay Markku

Sinabi ko na lang na gawin niya na lang ang pinapagawa ko dito Maganda na iyong sigurado

Kinaumagahan, maaga akong nagising Kailangan kong umalis ng maaga dahil may meeting ako mamayang alas- syete ng umaga. Nag aalalangan man pero dinaanan ko si Carissa sa kanyang kwarto. Gusto ko kasi makita ito bago umalis ng bahay Ewan ko ba, bakit sa kalooban ko, gusto ko itong laging nakikita.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto nito. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi ng makita kong tulog pa rin ito. Hindi na ako pumasok sa loob ng kwarto at isinara na lang ulit ito upang makaalis na Baka kasi kapag pumasok pa ako ay magising ito.

Pagbaba ko ng hagdan ay nakasulobong ko si Aling Marta. Binati ako nito ng magandang Umaga na tinanguan ko lang naman... “Magandang umaga Senyorito. Nakahanda na po ang almusal niyo sa dining “magalang na wika nito.

“Hindi na ako kakain Aling Marta. Nagmamadali ako ngayun” sagot ko dito at derecho ng lumabas ng Mansion. Agad akong pumunta sa aking sasakyan na nakahanda na at sumakay at pinasibad agad.

Pagdating sa opisina ay agad akong binati ng aking secretary na si Aron Mendres. Lalaki ang aking napiling secretary dahil ayaw kong maulit na ilang beses akong nilandi ng mga secretary na babae Maraming babaeng secretary na ang dumaan sa aldn. Ayaw kong haluan ng pleasure ang aking negosyo at iniiwasan kong magkaroon ng intimate na relasyon sa aking mga empleyado.

Wala naman akong naging problema kahit lalaki ang aking secretary, Masipag ito at mapagkakatiwalaan. Anak ito ng dati naming empleyado at maganda ang record nito sa aming kompanya.

Pinipilit kong magfocus sa aking trabaho kahit na sa tuwina ay laging pumapasok sa isip ko si Carissa. Hindi mawaglit sa aking isipan ang mga nangyari sa amin. Hindi maalis-alis sa aking isipan ang maganda nitong mukha: Ang katawan nito na hinahanap-hanap ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Unang beses ko itong naramdaman. Hindi ko alam kung nagiguilty lang ba ako o ano.

Gusto kong marinig ang boses nito pero wala pala akong cellphone number nito. Kumusta na kaya siya ngayun Kumain na ba ito? Ano kaya ang pinagkakaabalahan nito. Iniisip din kaya ako nito? Ahhh ano ba itong nangyayan sa akin.

Nang hindi na ako makatiis ay hinagilap ko ang aking cellphone. Tatawag ako sa landline ng mansion. Sigurado naman na may sasagot sa akin. kasi nagkalat ang mga kasambahay sa loob ng mansion dahil oras ng paglilinis ngayun.

Agad akong tumawag. Wala pang limang minuto ay may sumagot na sa kabilang linya. Agad kong kinumusta dito si Carissa.

“Senyorito hindi pa po lumalabas ng kwarto si Senyorita Carissa” magalang na sagot nito.

Napakunot ang noo ko sa sinabi nito Bigla akong nag-alala. Alas diyes na ng umaga pero tulog pa rin ba ito? Anong oras ba ang karaniwang gising nito? Wala akong idea kasi wala naman akong pakialam dito noon at hindi ko naman ito nakasama sa iisang bahay dahil pagkatapos ng kasal namin ay hindi na ako bumisita ng mansion liban lang kagabi kung saan may nangyari sa amin.

Aaminin ko na kaya pinasok ko ito sa kwarto upang pahirapan. Balak ko itong gawing sex slave Kaya lang nagbago ang lahat ng malaman kong virgin pa ito. Na ako lang ang lalaki sa buhay nito.

“Mga anong oras ba siya karaniwang nagigising?” tanong ko dito. “Maaga po siya lagi gumigising Senyorito pero ewan ko po ngayun bakit hindi pa siya bumababa” sagot nito.

“Pwede bang sabihin mo kay Aling Marta na icheck niya si Carissa sa kwarto?” utos ko dito. Bigla kasi akong nag-alala.

“Sige po Senyorito sasabihin ko sa kanya.” Sagot nito sa kabilang linya

“Sabihan mo si Aling Marta na tawagan niya ako pagkatapos niya tingnan si Carissa, maliwanag ba?” utos ko dito “Masusunod po Senyorito.” Sagot nito. Agad kong pinindot ang end botton ng call sa cellphone Salubong ang kilay na tumingin ako sa kawalan. 

Wala pang tatlumpong minuto ay tumunog ang aking cellphone. Nang tingnan ko kung sino ang caller ay nakita ko na numero ito ng mansion. Agad ko itong sinagot at boses ni Aling Marta ang nasa kabilang linya. Agad kong tinanong dito kung kumusta si Carissa.

“Pasensiya na po Senyorito, ngayun lang ako nakapag-return call, inasikaso ko pa kasi si Senyorita Carissa. ang taas po kasi ng lagnat, agad na wika ni Aling Marta. Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Aling Marta Agad akong nakaramdam ng matinding kaba.

“Pero Senyorito pinakain na po namin siya at nakainom na din ng gamot. I monitor na lang Po namin siya baka maya-maya bababa na din ang lagnat.” Dagdag na wika ni Aling Marta.

“No Manang, papupuntahin ko diyan si Genie para matingnan ang lagay ni Carissa.” Sagot ko dito. Si Genie ay first cousin ko, Kasing-edad ko lang ito at isang Doctor Alam kong matitingnan niya ng maayos si Carissa Anak ito ng Tito Delfin na kapatid ni Daddy

Sige po Senyorito Mas maigi nga po na matingnan ng Doctor si Senyorita.” Sang-ayon ni Manang Marta

“Sige hintayin niyo na lang diyan sa bahay. At bantayan niyo si Carissa Pauwi na din ako.” Wika ko kay Aling Marta.

Pagkatapos namin mag usap ni Aling Marta ay agad kong tinawagan si Genie para pumunta ng mansion. Buti na lang at agad na pumayag ito. Marahil ay hindi ito ganoon ka busy. Kakaalis lang daw nito ng bahay at dederecho na ito ng mansion.

Nang maibaba ko ang tawag ay agad kong tinawag ang aking Secretary. “Cancel all may appointments today Mr. Mendres” agad kong wika dito.

Kitang kita sa mukha nito ang hindi maisatinig na pagtataka. Marahil ay ito ang unang beses kong ginawa na mag cancel ng mga appointments at meeting. Alam kasi nito na pagdating sa trabaho ay istrikto ako.

“But Sir... May lunch meeting kayo ni Mr. Chua. Matagal na po silang nakaline-up para makakuha ng slot for appointment. Tumawag din sa akin ang secretary niya kanina para iremind ang meeting niyo mamaya.” Wika ng aking Secretary.

Bumuntong hininga ako at tumitig kay Aron.

“Sabihin mo na nagka-emergency ako. Basta bahala ka na mag alibi.” Wika dito sabay tayo at derechong lumabas ng opisina. Agad akong sumakay ng kotse at pinaharurot pauwi ng mansion.



Chapter 8

CARISSA

Nagising ako kinabukasan sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha na nagmumula sa siwang ng kurtina mula sa bintana. Nang tingnan ko ang oras sa side table ng aking kama nagulat ako kasi alas -8 na pala ng umaga.

Nang subukan kung kumilos para bumangon naramdaman ko ang sakit ng buo kong katawan lalo na ang nasa gitna ng aking hita. Naalala ko ang ginawa namin ni Gabriel kagabi. Halos magdamag niya akong inangkin. Parang wala siyang kapaguran. Hindi ko na nga naramdaman na nakatulog na pala ako sa pagod.

Nahawakan ko ang aking ulo ng makaramdam ng pagkahilo. Tiniis ko ito at pinilit na bumangon. Paika -ika akong pumunta ng banyo para maglinis ng katawan. Umupo ako sa toilet bowl para umihi. Napapikit ako ng maramdaman ang sobrang hapdi ng aking pagkababae. Parang nagkasugat yata ako sa bahaging iyon.

Pagkatapos kong gawin ang aking mga routine sa loob ng banyo ay dahan-dahan akong bumalik sa kama. Nagulat pa ako ng makita kung gaano kagulo ang aking higaan. Nang hawiin ko ang kumot ay nanlaki ang aking mga mata ng may makitang bahid ng dugo sa bed sheets ng kama. Agad akong pumunta sa Cabinet upang kumuha ng pampalit. Pero nang maramdaman ko ang hapdi ng aking pagkakababae at parang lalagnatin ako ay nagpasya akong takpan na lang muna ng kumot ang dugo. Mamaya ko na lang papalitan ang bedsheet sa kama kapag maayos na ang aking pakiramdam ngayun. Kumuha pa ako ng isa pang malinis na comforter upang gawin kong kumot. Pakiramdam ko ay sobrang nilalamig ako. Agad akong humiga upang marelax ng kahit kunti ang aking katawan.

Buti ba lang at wala akong pasok ngayun sa School. Ipinikit ko ang aking mga mata at hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.

Hindi ko namalayan kung ilang oras akong nakatulog. Nagising na lang ako sa mahinang katok sa pinto. Babangon sana ako kaya lang ay parang nawalan ako ng lakas. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at para tuyong-tuyo ang aking lalamunan.

“Good Morning Senyorita Carissa... Pasensiya na po kayo at pumasok” natigilang wika ni aling Marta ng makapasok ito ng aking kwarto. Bakas sa mukha nito ang pagtataka ng makita ako sa kama na nakatalukbong at nanginginig. Sobrang nilalamig talaga ako.

“Diyos ko Senyorita, anong nangyari sa iyo...masama ba pakiramdam mo?” nag-aalala nitong wika at agad na sinalat ang aking noo. Napalitan ng sobrang pag- alala ang reaksiyon nito ng mapagtanto kung gaano ako kainit.

“Senyorita... Ang taas ng lagnat mo... Diyos ko!!?.

Teka lang kukuha ako ng pagkain sa kusina at gamot para makainom ka... “Natataranta nitong wika at mabilis ang hakbang na lumabas sa aking silid.

Wala pang limang minuto ay muling pumasok si Aling Marta. May dala na itong pagkain Tatanggihan ko sana ang dala nitong pagkain kaya lang ay nagpumilit ito. Kailangan ko daw kasing uminom ng gamot. Pinilit ko ang aking sarili na kumain ng kahit kunti para malamnan ang aking sikmura bago uminom ng gamot. Ayaw ko din naman na magkasakit ako ng tuluyan.

Pagkatapos kong kumain at uminom ng gamot at bumalik ako sa dati kung pwesto. Wala pang isang oras ay bumalik si Aling Marta sa kwarto. May kasama itong magandang babae. Seksing-seksi ito sa kanyang suot na puting damit. Para itong modelo kung maglakad. Bakas sa mukha nito ang pagiging masayahin at mabait. Nagtataka akong napatingin dito Nakangiti ito habang papalapit sa aking higaan. Babangon sana ako kaya lang ay napangiwi ako dahil sa sama ng aking pakiramdam.

“Senyorita Kasama ko po si Doc Genie. Doc Genie.

Siya po si Senyorita Carissa, asawa po ni Senyorito Gabriel.” Pakilala ni Aling Marta Ngumiti ako kay Genie. Ganun din naman ito sa akin. Agad naman nagpaalam si Aleng Marta sa amin kaya naiwan kaming dalawa ni Doc Genie sa kwarto.

“Kumusta ang pakiramdam mo? I understand na first time mong nakipagtalik kaya normal lang iyang nararamdaman mo ngayun “nakangiti nitong wika. Nakaramdam ako ng hiya sa pagiging bulgar nito pero binigyan ako nito ng nakakaunawang ngiti at agad ko namang iginaan ng aking kalooban. Pero nagtataka ako kung paano nito nalaman na nagtalik kami kagabi ni Gabriel.

“Tinawagan ako ng asawa mo kanina. He is my first cousin at closed kami. Kahit may pagkamasungit yung asawa mo nakakapagtiyaga naman ako sa ugali noon.” Wika ni Genie. Tanging pagngiti lang ang aking nagawa sa sinabi nito. Nahihiya kasi ako dito at isa pa ayaw kong maging feeling closed dito dahil ngayun lang kami nagkakakilala.

Inumpisahan na ako nitong suriin lalong lalo na ang aking pagkababae. Kakatapos lang ako nitong suriin ng biglang pumasok sa loob ng kwarto si Gabriel. Agad na nagtama ang aming mga mata. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero bakas dito ang matinding pag-aalala. Agad kong iniwas ang paningin dito.

“How is She Genie. Sabi ni Aling Marta mataas daw ang lagnat niya.” Agad na wika nito ng makalapit sa akin.

“Hay naku Cousin... Masyado mo namang binigla si Carissa..” halata sa boses nito ang inis habang tinititigan si Gabriel.

“bakit? Ok lang ba siya? I mean...” hindi natuloy ang sasabihin ni Gabriel nang magsalita ulit si Genie. “No sex for 1 month. Pagalingin mo muna ang sugat ni Carissa.” Wika ni Genie.

Hindi ko naman alam kung ano ang magiging reaksiyon. Lalo akong Nakaramdam ng hiya ng tumitig sa sakin si Gabriel. Kung pwede nga lang lamunin na ako ng lupa sa mga sandaling ito. Sariwa pa rin kasi sa isipan ko ang mga nangyari sa amin kagabi. Tapos heto ako ngayun halos hindi makabangon dahil iniinda ang sakit ng katawan.

“Magrereseta ako ng gamot para kay Carissa. Please Gabriel, sundin mo ang sinasabi ko. Masyadong napwersa ang perlas ni Carissa kaya naman kailangan muna niyang magpagaling.” Wika ni Genie.

Tanging buntong-hininga lang ang nagawa ni Gabriel. Tumango lang ito at sinenyasan ang doctor na pinsan na lumabas na muna ng silid.

Lumipas ang mga araw. Tuluyan na akong gumaling sa aking sakit. Katulad dati hindi na naman umuwi ng mansion si Gabriel na labis kung ikinalungkot. Siguro nga hanggang ngayun abot langit pa rin ang pagkamuhi nito sa akin. Ang last kasi na pagkakita ko dito ay noong nagkasakit ako. Halos buwan na din ang lumipas. Sila Mommy Moira ay nasa ibang bansa parin.
Pagkatapos kong mag ayos ay dahan-dahan akong bumaba at pumunta sa dining area para kumain. Nagugutom na din kasi ako, Nakasalubong ko ang mayordoma na si Aling Marta....

“Oh Senyorita Carissa buti naman at bumaba ka na... Padadalhan na sana kita ng pagkain sa kwarto mo. Sabi niya sa akin.

“Opo Aling Marta. Pasensya na po tinanghali ako ng gising. Hindi ko namalayan ang oras.” Sagot ko

“Naku ok lang yan iha, weekend naman ngayon wala kang pasok sa School. Mas mabuti yan para makapagpahinga ka.” Nakangiti na sagot ni Aling Marta.

“Sige na halika na. Umupo ka na. Ano ang gusto mong kainin” Tanong ni Manang sa akin. “Huwag na po kayo mag-abala. Ayos na po sa akin itong Milk at bread. Mamayang lunch nalang po ako kakain ng rice.” Nakangiti kong sagot dito. “Sigurado ka ba? Bweno ikaw ang bahala. 

Basta magsabi ka lang kung ano ang kailangan mo ha?”

Nakangiti na sabi nito.

“Opo, Salamat po “. Sagot ko dito at nag-umpisa ng kumain.

“Maaga nga palang umalis si Senyorito Gabriel. Medyo madilim pa nga sa labas eh.” Kwento nito. Nagkita ba kayo”?.

“Po???? Dito po siya natulog kagabi?” nagtataka kong tanong dito na agad naman tumango.

“Ewan ko ba sa batang yun. Hindi naman dating ganyan yan. Napakalaki ng ng pinagbago ng kanyang ugali simula ng nag-aral sa America at humawak ng negosyo.” Bihira na lang din kung umuwi dito”. “Alam mo ba na ako ang nag alaga sa batang yun hanggang lumaki?, Mahabang kwento nito.

“Alam mo Senyorita Carissa ang bait mo. Sana hindi ka magbago at kayo pa rin ni Senyorito ang magkatuluyan. Sana matutunan niyong mahalin ang isat-isa.” Nakangiti na sabi nito.

Napangiti din ako sa sinabi ni Manang. Kung alam lang niya, matagal ko ng Mahal si Gabriel. Kaya lang kailangan kong pigilin ang aking damdamin para dito. Hindi ako bagay kay Gabriel. Kay iba itong mahal at walang iba kundi si ate Ara.

Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa aking isipan ang sinabi ni Ate Ara na babalik siya. Kaya kailangan kong pigilan ang aking sarili na at pilitin na huwag pang lalong yumabong ang nararamdaman ko kay Gabriel.

iisipin ko pa lang ang mga posibling mangyari sa pagbabalik ni Ate Ara sumasakit na ang kalooban ko,

Sana matanggap ko ang araw na yun at makalimot.

“Oh sige Senyorita, maiwan na muna kita. May gagawin pa ako. Basta huwag ka mahiya mag utos sa mga katulong dito ha?” Paalam ni Aling Marta.

“Opo, Salamat po....

Pagkatapos ko kumain pumunta ako sa harden at tiningnan ang mga collections ni Mommy Moira.

Natuwa ako kasi nakita ko na namumulaklak na ang iba sa mga ito. “Kung makita ito ni Mommy sure talaga ang matutuwa yun. Ang lungkot pala ng mansion kapag walang kausap.” Wika ko sa aking sarili. Nang magsawa ako sa Garden ay bumalik ako sa aking kwarto. Tamang-tama naman at tumunog ang aking phone at si Roxie ang tumatawag.

“hello Roxie, napatawag ka.” Sagot ko

“Carissa, kumusta na? Yayayain sana kitang lumabas para mag shopping, Nakakabagot kasi dito sa bahay eh.” Sagot ni Roxie.

“Ha? Ngayon na ba? Agad-agad?” sagot ko dito.

“Oo, now na tsaka ok lang naman diba kasi wala naman diyan mga inlaws mo? Sige na Bestie samahan mo na ako. Si Roldan kasi hindi ko din mahatak kasi busy daw siya. Ayaw ko naman mag- ikot sa malls mag isa. Nakakatamad..” Reklamo nito.

“Haist Sige na nga. Pero wag tayo magpagabi ha? Tsaka paano ba ang set-up saan tayo magkikita?” tanong ko dito.

“Dont worry Bestie susunduin kita diyan sa inyo” Magprepare ka na kasi paalis na ako ngayon.”

Excited nitong sagot sa akin. “Sige Bestie, ingat ka sa pagdadrive. See Yah”, 

At ibinaba ko na ang kanyang tawag.

Dali-dali akong nagbihis. Floral Dress ang napili kong suotin na lagpas hangang tuhod. Tinirno ko ito ng flat sandals at sling bag. Hinayaan ko na din na nakalugay ang aking buhok Komportable ako sa ganitong attire.

Lumabas na ako ng aking kwarto at hinanap si Aling Marta Magpapaalam ako sa kanya na lumabas sandali. Siya kasi ang incharge dito sa mansion kapag wala sila Mommy Moira at Daddy Ralph.
Nang makapag-paalam na ako sakto naman na dumating na si Roxie. Maiksing shorts at croptop ang suot nito. Kitang kita ang makinis nitong balat Litaw na litaw din ang kagandahan nito. Agad ako sumakay sa kanyang kotse at umalis na din kami agad.

“Thank you Bestie at sinamahan mo ako. Mag shopping tayo at kumain ng gusto natin.” Excited nitong sabi. “Ikaw lang ang magshopping Bestie, samahan nalang kita.” Nakangiti kong sagot dito.

“No Bestie libre kita ngayon”. Bilhin mo lahat ng gusto mo ako ang bahala”. Nakangiti na sagot nito.

“Naku, Ikaw talaga huwag na. Kompleto pa naman ako sa mga gamit. Binilhan ako ng mga inlaws ko noh??” sagot ko dito.

“Wow alam mo ang swerte mo talaga sa mga in-laws mo. Tangap na tangap ka nila. Mapapa sana-all nalang talaga ako. Sana katulad nila ang magiging in -laws ko pagdating ng araw. Minus lang sa asawa mo na masama ang ugali ha??? Hehehheeh.” Ngingiti- ngiti nitong sagot Natawa ako sa kanyang sinabi. Hindi nalang ako nagcomment. Maya-maya pa ay nakarating na kami ng mall. Kapansin-pansin din ang titig sa amin ng mga kalalakihan na aming madadaanan. Hindi na lamang namin pinansin at nagpatuloy sa aming pupuntahan. 

Sanay naman na kami sa ganitong attention. Kahit nga sa school maraming nagpapapansin sa amin. Buti nalang nanandyan si Roldan na lagi naming kasama. Gusto niya din ako bilhan pero tumanggi ako. Marami naman na kasi akong damit bag at sapatos. Pinagsashopping ako palagi ni Mommy Moira. Excited daw kasi itong mamili ng damit ko kasi parang anak na daw niya ako.

Nang mapagod kami ni Roxie ay tumambay muna kami sa coffee Shop. Nagpalipas kami ng oras at maya-maya ay nagyaya na akong umuwi. Padilim na kasi. 

Hindi namin namalayan ang oras. Hinatid ako ni Roxie sa amin at agad din siyang Umalis. Tumatawag na daw kasi ang kanyang Kuya Jonathan.

Pagpasok ko pa lang sa loob ng gate ng mansion ay agad akong sinalubong ni Aling Marta na may pag alala sa mukha.

“Senorita Carissa, Diyos ko buti dito ka na... Kanina pa kita hinihintay.” Bakas ang pag aalala sa boses nito.

Bakit po? Alas-otso pa lang naman po ng gabi ah?”

Nakangiti kong sagot dito.

“Kanina pa dumating si Senyorito Gabriel at hinahanap ka. Biglang nagalit ng nalaman niya na lumabas ka”. Puntahan mo na lang sa kwarto niya. Magpakita ka sa kanya para alam niya na nandito ka na” Mahabang pakiusap ni manang Delia.

“Po, Sige po manang.” Sagot ko nalang dito at naglakad papasok ng bahay.

Sa loob loob ko hindi ako pupunta sa kwarto ni Gabriel para magpakita .Baka mamaya hindi naman talaga ako ang dahilan para uminit ang kanyang ulo. Baka hindi niya naman talaga ako hinanap. 

Ayaw ko maging assuming. Pumasok ako sa aking kwarto at nagulat ako ng maabotan ko si Gabriel na nakahiga sa aking kama. Agad itong bumangon ng mapansin niya ako.

Tumayo ito at naglakad papunta sa akin. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa at nagsalubong ang kanyang kilay Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?” Agad na tanong sa akin.

“Ah sa Mall. Niyaya kasi ako ng friend ko na samahan siyang mamili.” Sagot ko dito. Nalibang kasi kami sa pamamasyal at hindi namalayan ang oras kaya ginabi kami.

“Bakit hindi ka nagpaalam sa akin”? Dapat tinawagan mo ako kung lalabas ka ng bahay.” Pinag- alala mo ako.” Sagot nito

Nagulat ako sa kanyang sinabi? At kailan pa siya naging concern sa akin? Hindi na lang ako umimik at tumingin na lang ako sa kanya. Hinintay ko pa kung ano pa ang mga susunod niyang sasabihin.

“Sa susunod na lumabas ka magpaalam ka sa akin. Akin na yang cellphone mo.” Sabi nito.

“Ha? Bakit? Ano gagawin mo sa cellphone ko?”! tanong ko dito at inabot ko din sa kanya ang aking cellphone kahit naguguluhan.

“ilalagay ko dito ang aking number para matawagan mo ako.” Sagot nito. “Sa susunod wag ka ng umalis ng bahay na hindi ko nalalaman naiintindihan mo ba ako?”

“Kahit si Mommy ang kasama ko?” tanong ko dito.

Tinitigan niya ako. “Oo kahit si Mommy pa ang kasama mo... Tsaka ayaw kong magsusuot ka ng ganyang damit. Hindi bagay sa iyo” Sabi nito

“Ha? Pero bigay ito ni Mommy Moira Binill niya para sa akin.” Sagot ko dito.

“No, ayaw kong isuot mo pa yan.

Nagkakaintindihan ba tayo Carissa?” naiinis na sabi nito.

“Sige”.. Sagot ko narin para hindi na humaba pa ang usapan.

“Magbihis ka na at bumaba. Kakain na tayo ng dinner. Hihintayin kita sa dining area.” Sabi nito at lumabas na ng kwarto.

Tulala naman akong naiwan sa kwarto. Nagtataka ako kung anong nakain ni Gabriel. Bakit parang nag iba ang pakikitungo nito sa akin.

Agad akong nagbihis at bumaba na para kumain. Sabay kami kumain ng dinner, Wala kaming imikan habang kumakain. Napapansin ko na panay titig niya sa akin. Hindi ko alam pero parang may gusto ipahiwatig ang kanyang mga tingin. Parang may ibig sabihin.

Naiilang ako sa kanya kaya agad kong tinapos ang aking pagkain at nagpaalam na aakyat na sa kwarto Tumango lamang ito kaya tumalikod na ako. Habang naglalakad ramdam ko pa din ang titig niya sa akin.

Post a Comment

0 Comments